Huwebes, Oktubre 12, 2017

"The Host Traveler" by: Mary Grace Soriso


Chocolate hills ang tawag sa mga burol na matatagpuan sa Carmen,Bohol. Ito ang unang lugar na dinadayo ng mga turista. Napakaganda at sariwa ng hangin kapag nasa taas ka ng burol. Pagdating mo doon hindi lang ito ang iyong makikita,may mga tarsier pa doon at mga paparo na pwede ninyong puntahan at makita. May mga zip line din kaayong pwedeng sakyan at marami pang iba na pag.aliwan

Sa pagpunta ko doon at ito pa ay hindi ko inaasahan kasama ko yung nasa litrato at kanyang mama, kasama din yung anak ko, nadamay pa ang anak. Pumunta kami doon dahil gusto niyang maglibot sa Bohol at gusto niya kasama kami bago siya bumalik sa NZ. Di nmn sayang ang pagpunta namin dahil talaga naaaliw kami sa kagandahan ng mga tanawin.Pumunta din kami doon sa tarsier hall at doon sa may mga paru-paro. Pagkatapos sumakay kami doon sa sinabi kong zipline nakakatakot din pala kahit alam mong siguradong di ka mahuhulog.

Isa iyon sa mga napakaganda at hindi malilimutang pangyayari sa buhay namin. Tawanan, dramahan, asaran, at kulitan. Sa kaunting panahon na iyon nabigyan kami ng pagkakataon na makilala namin ang isat isa. Nabago din ang pananaw ko sa kanya na akala ko dati puro lang kayabangan natalalaman ng taong to peru di pala. Kabaliktaran lahat ng pananaw ko sa kanya at doon sa araw na yun nalaman ko ang ibang angulo ng kanyang pagkatao.




Sa pangalan ng beach nato ay Basdacu Beach. Matatagpuan ito sa Loon Bohol. Napakasariwa ng hangin at napakagandang tingnan ang mga mapuputing buhangin. May free diving din doon. Paborito din ito ng mga turista. May live band din ito sa gabie, kaya maraming foreinger na gagala sa lugar na ito pag gabi.


Nagpunta kami doon kasama mga kaklase ko sa Sacred Heart Academy. Naghanda kami ng kunting salo-salo para may makain din naman kami dun. Kukuha ng picture dito, doon at may kasamang ibat ibang pose. Napakasaya talaga ng araw na iyon, ini-enjoy ang sayawan at kantahan. Hindi mawawala ang asaran depende kung sino ang mabunot na pagtritripan.



Pinagmaliki ko ang aking lupang sinilingan ang Gaus Island. Dito sa islang ito may mga mapuputi at mapipinong buhangin. Sa lalarawan na iyan kung saan ako nakatayo, tinatawag namin itong "lawisan". Mangasul-ngasul ang dagat doon kahit mababa pa ang dagat. Maraming mga tao ang pupunta dito lalo na kung kakauwi lang nila galing sa mga syudad. Maliit lang ang islang ito peru may mga malalaking puso ang mga tao dito.
Kahit ilang taon na akong nakatira dito sa lugar na ito, hindi parin ako ng sawa ng maligo sa dagat lalong-lalo na sa lawisan. May marami kaming alala sa mga pinsan ko sa lugar na iyan kapag maligo kami ng dagat. Kapag sembreak o bakasyon uuwi talaga ako dito. May araw din na magkakasundo kami magpinsan na mamangka.

Sa araw na iyan na nasa litrato yun ang araw na buo kami magpinsan. Kahit na magkalayo kami magpinsan dahil ang iba galing pa manila davao dahil doon na sila naninirahan di parin kami naiilang sa isat isa di kami nahihiya talagang nagkakasundo kami kahit anong kalokohan.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento