Martes, Oktubre 10, 2017

"FRONT SEAT ESCAPE" a trip to Hitudpan, Leyte. by: Emmanuel Tabera



Tayong mga kabataan hindi natin maipagkakait ang kagustuhan nating tumuklas ng mga ibat-ibang bagay. Isa na dito ang kagustuhan nating pumunta sa ibat-ibang lugar at tuklasin at maranasan ang kani-kanilang pagkain, tanawin, tradisyon at iba pa. Lalo na yung mga lugar na sikat sa ating mga tenga at dinadayu ng mga turista. Bilang tagapagtuklas nauuhaw tayo na malaman at maranasan ang mga ito.
Sobrang sayang isipin na tuklasin ang mga lugar na ito kasama ang ating mga mahal sa buhay katulad ng ating pamilya. Dahil ika nga nila at batid nating lahat na ang pamilya ang pinakamahalaga at pinaka-espesyal sa lahat ng mga bagay.
Isa sa napuntahan ko kasama ang aking pamilya ay ang lugar ng Hitudpan, Leyte. Ang Leyte ay isa sa ipinagmamalaki ng Visayas. Ang Leyte ay kilala sa katamtamang temperatura at magagandang tanawin ng mga bulubundukin. Ang Barangay Hitudpan sa Leyte ay hindi masyadong kilala ng mga turista at ng ating mga tenga. Ngunit ang karanasan na bumulaga sa akin ay napakamangha at kasiya-siya.

Pumunta kami doon sa Hitudpan, Leyte dahil nais ng aming pamilya na doon e-enjoy ang summer. First time ko at ng aking mga kapatid ang makapunta sa Leyte kaya mas lalo kaming na excite sa mga mangyayari.

Una naming pinuntahan ang Bato Baywalk kung saan dito kami gumala ng buong magdamag kasabay ang malamig na temperatura. Sa lugar na ito matatagpuan White Water Fountain, nagsisilakihang Swan Ride, nagsisigandahang mga Assorted Road Torch Lights at mga Bahay Kubo at dito pwedeng mag fishing sa gilid ng Baywalk.
Sa lugar na ito natikman ko ang napakasarap at sikat na sikat na panghimagas sa lugar na ito na Moron. Makikita mo rin na napakagalang ng ngiti ng mga bati ng mga taga doon, makikita mo na pinapahahalagahan nila ang ang bawat isang tao sa lugar dayuhan kaman o hindi.
Agad kaming sumakay ng habal-habal at dumaan sa napakalawak na Rock Road ng Bato Leyte para pumunta ng Hitudpan, Hills. Kahit na naging malayo ang aming paglalakbay papuntang Hitudpan Hills worth it naman ang pagod dahil sa nakakarelax at nakakamanghang tanawin sa tuktok ng Hills. Pagkatapos nun nakikain muna kami sa mga karatig bahay ng mga katotobo ng kamote, saging at Ube Cake na napakasarap. Uminom kami ng Fresh Mountain Water na walang tigil na umaagos sa mga tubo. Makikita natin na kakaiba ang pagtanggap ng mga katotobong Hitudpan.

Ang huli naming pinuntahan ay ang Linaw Water Stream na kilometro lang ang layo mula sa Hitudpan Hills. Naligo kami dito at inenjoy ang napaka preskong tubig ng water stream kasama ang nagsisilakihang mga bato sa aming paligid.

Ang naging realisasyon ko sa aking naging karanasan sa bakasyon ay wag nating kalimutan ang mga nakatagong lugar na dapat nating tuklasin bago man ito sa tenga o hindi, dahil dito natin matutuklasan ang mga bagay at karanasan na hinding-hindi natin makakalimutan na hindi pa nararanasan ng nakakarami. Mas naimulat ko ang realidad na iba talaga ang saya pag kasama ang pamilya. Panghuling realisasyon ko ay dapat nating ituring ng mabuti ang kahit na sino dayuhan man ito o hindi.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento