Huwebes, Oktubre 12, 2017

"Southbound in Dalaguete" by Michael Jeffrey Cabarubias




Ang tatlong larawan ay kuha mula sa Dalaguete Cebu. Napunta kami rito dahil sa mabait naming klasmeyt dahil siya ay tubong dalaguete at fiesta sa kanila noon. Sa mga araw na iyon ay napakasaya at nakita ko rin kung gaano kaganda sa probinsya ng cebu. Unang napuntahan ko sa dalaguete ay doon sa seawall at doon kami nagbabad at naligo sa magandang sikat ng araw. Naisipi ko pa noon na napakaganda dito sa dalaguete. Ang pangalawang napuntahan sa dalaguete ay doon sa OBONG COLD SPRING. Napakaganda ng lugar sa obong cold spring at talagang napakalamig ng tubig at sarap sarap maligo at malinaw pa ang tubig pero bato bato lang naman sa ilalim pero nagka high tide din yun di masyadong maramdam ang bato sa ilalim pero sa kabuuan ay napakaganda talaga doon at dalawang beses namin napuntahan ang OBONG COLD SPRING. At ang pang huli kong napuntahan sa dalaguete ay lugar sa kanilang plaza sa may simbahan. Napakaganda talaga sa Dalaguete at gusto ko pang makapunta ulit doon para ma explore pa ang lugar na hindi ko pa napuntahan

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento