Huwebes, Oktubre 12, 2017

The Beauty of Camotes Island, by: Carlo Zabate




Ang tatlong larawan na ito ay nakunaan nuon April 23, 2016 sa lugar ng Camotes Isl. Makikita dito sa larawan kung gaano ka ganda ang isla sa Camotes . Maraming mga turistang dumadayo dito lalong lalo na sa Unang litrato , Ang unang litrato na makikita niyo ay isang Kuweba na napaganda at napakalamig na tubig sa ilalim nito , matatagpuan ito sa McArthur Camotes Isl . Ang tawag sa kuweba na ito ay Bukilat Cave. Historical ang lugar na ito dahil noong Ikalawang digmaan ay dito nagtatago ang mga residente, madre at kaparian sa lugar na ito para hindi sila makita o mabihag sa kalupitan ng kamay ng mga Hapon . Sa ikalawang litrato naman ay makikita niyo ang napaka gandang tanawin at mga rock formation na tinatawag nating Stalactites at stalagmites . Ang sulit talaga ng bakasyon ko sa summer na iyon . Pati ang mga turistang nanduon ay namangha sa kagandahan ng tanawin . Ang Ikatlong litrato naman ay ang kagandahan ng view sa tabi ng dagat ng Poro Camotes Isl , na sinalubong namin ang palubog na araw at sobrang gandang tignan ng view na ito , Kaya sulit na sulit talagang puntahan ang Camotes Isl sa konting budget lang marami kanang ma pupuntahan at makikitang magagandang lugar dito at magiging relax at masaya ang summer vacation lalo na kasama ang ating pamilya . Kaya mahalin natin ang ating lupang sinilangan dahil sa mga napakagandang lugar na makikita natin sa buong pilipinas at huwag nating kalimutan na mapangalagaan ito para sa susunod na henerasyon .

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento