Sabado, Oktubre 14, 2017

"ALOGUINSAN TOURISTS SPOT " by Robert Encarnacion



Ako ay si Robert Encarnacion nakatira sa aloguinsan cebu. ilang taon na akung naninirahan dito pero parati ko paring isina alang-alang at pinupuntuhan na ang lugar namin dito ay may magagandang tanawin. Isa na dito ang hermits cove ba bago ngayong pinagbalik-balikan ng mga tourista. Ang Hermits Cove ay may malawak na karagatan may maraming coral reefs na magaganda ngunit bawal itong kunin. hanggang tingin lamang. mayroon ring mga ibat ibang hugis at kulay ng mga bato. Ang Mga turista ay pwedi silang sumisid sa dagat kahit anong oras. Pwedi rin sila sumakay sa bangka kaso limitado lang ang oras. pwedi rin silang magdala ng pagkain kasi walang bayad ang cottage ang babayaran lang nila ay ang renta ng entrance. at nagustuhan ko tong lugar hindi dahil dito ako nakatira kundi napakamura at affortable pa. Magandang view o tanawin at napakamaraming tao.
Madalas na rin kaming pumunta ng Hermits Covrr kadalasan kasama ko pamilya ko na dito namin ipagdiwang ang kaarawan ng isang kapatid noong kami ay hindi pa broken family. At isa sa hindi ko makakalimotan ang kaarawan ng ate ko na nakapag decide kami doon mag celebrate sa Hermits Cove at naghanda kami ng maraming pagkain at sobrang saya namin.


Pinili ko ang Aloguinsan cebu na pinakagusto ko na lugar kasi maraming tourist spot at taga year pasok talaga sa top 100 tourist spot. kaya araw2 maraming tourista ang dumadayo o dumadalaw sa lugar namin promise hindi po kayo magsisi kasi napakaganda nang aloguinsan cebu.

"BOHOL ADVENTURE " by: Francois Von Yaun


 Bohol adventure
Ang tatlong larawan na ito ay nanggaling sa Bohol. Sa tatlong larawan iba ibang lugar ang napuntahan ko sa Bohol. Ang unang larawan ay kuha sa isang lugar sa bohol na kung saan may malaking bahay na pormang bapor na kung tatawagin ay "SHIPHAUS". Ang SHIPHAUS ay pinangalanan sa may ari ng bahay na isang kapitan ng barko. Diyan sa lugar ng bohol na kung saan mas naging inspirasyon ko na ang makapagtapos bilang NAUTICAL STUDENT. Ang nasa gitna ng larawan ay kuha naman sa lugar sa sagbayan peak sa bohol. Ang napakalaki talaga ng lugar sa sagbayan peak at napakaganda pa ng tanawin. Ang panghuling larawan ay kuha naman mula sa tubigon bohol na kung saan umakyat pa ng bundok bago makapunta rito. Ang ganda talaga sa tubigon bohol ang tubig sa dagat ay napakalinaw at yung mga rock arrangements nito. Napakadami pa ng lugar dito sa pilipinas na may mga magandang tanawin. Pero sa napuntahan ko pa lang ay sa daan bantayan cebu at bohol pero sa bohol lng talaga may mga bilin na magandang memories. Sa pilipinas lang talaga matagpuan ang mga natural forms na may magandang tanawin. ITS MORE FUN IN THE PHILIPPINES TALAGA,imagine may 7107 islands sa pilipinas ibig sabihin may mga natural spot pang pwedeng mapuntahan at marami pang lugar sa pilipinas ang pwedeng bisitahin

Biyernes, Oktubre 13, 2017

"Lakbay sa Mt. Uragay" by Van Xavier Kiamco

Bilang isang kabataan pinangarap kong pumunta sa ibat ibang mga lugar sa buong mundo, ni nais kong makapag lakbay at aking ma diskubre ang mga naka tagong yaman ditto sa mundo Lalong lalo na ang mga lugar na talaga namang tinatangkilik ng mga turista, mapadayuhan man na galing ibang bansa o yung mga taong doon na mismo sa lugar na yon lumaki at nagkaisip. 
Isa sa mga napa ka gandang lugar na napuntahan ko ay ang Uragay Mountain Sring Resort, Ayon sa kawani na usapan natin sa resort, ang bukal na ito ay naging pinagmumulan ng bote ng tubig ng Spring Water ng Kalikasan hanggang sa bumili ang kumpanya ng isa pang mapagkukunan ng tagsibol ng kanilang sarili. Ang resort ay pribadong pag-aari, may dalawang pool, para sa mga bata at para sa mga matatanda. Sinabi sa amin ng mga matatalik na tauhan na sila ay pinahaba ang mga pool tuwing Miyerkules, binago ang tubig at sinisira ang mga sahig at dingding. Dapat totoo (hehehe) dahil ang tubig ay malinis at malinaw. Ang mga pool ay pinakain ng isang umaagos na tubig mula sa isang spring o "tubod" kaya inaasahan na ang tubig ay sariwa at napakalamig. Walang restaurant sa resort, walang bayad sa corkage, nagkakahalaga ng cottage 300. Mayroon din silang mga kaluwagan para sa overnight stay, 1500 para sa dalawang tao.

Paano makapunta doon Ang Carmen ay matatagpuan sa hilagang bahagi ng Cebu at humigit-kumulang na 1.5 oras na paglalakbay mula sa Cebu City. Kung mayroon kang sariling sasakyan, maaari kang maglakbay sa pamamagitan ng pangunahing kalsada mula sa Cebu City na dumadaan sa Mandaue City-Consolacion-Liloan-Compostela-Danao City at sa wakas ay Carmen. Ilang metro lamang ang layo ng Uragay mula sa Carmen Public Market. Panoorin lang ang sign sa tabi ng kalsada, na itinuturo ang direksyon ng Uragay. Ang pag-abot sa Uragay Mountain Spring Resort ay madali at kasiya-siya. Mula sa pangunahing kalsada, kailangan mong maglakbay nang 10-15 minuto upang maabot ang resort. Sa daan, ikaw ay dumaan sa mga plantasyon ng saging, orchid garden ng Mhuiller, Mhuiller farm, mga farm ng manok at tanawin ng Carmen.
 
Ang mga kalsada ay may aspaltado, ngunit mag-ingat sa mga kurbada at bumaba lalo na kung umuulan. Ang isa pang pagpipilian ay ang kumuha ng pampublikong transportasyon upang maabot ang resort. Maaari kang kumuha ng bus mula sa North Bus Terminal patungo sa Carmen, ang pamasahe ay 40 pesos. Bumaba kapag ang bus ay umaabot sa Carmen Public Market. Mula sa merkado, biyahe ang "habal-habal" para sa 25-30 upang dalhin ka nang diretso sa Uragay Mountain Resort.

"RIDING IN GREEN PARADISE" by Sean Patrick Villacorta


                                                                                     
Kung ang Luzon ay may malamig na bundok ng Baguio, ang Queen City ng South ay may mga taluktok ng Mantalongon. Ang Mantalongon ay tinatawag na
ganito dahil sa malamig na temperatura nito mula 18 hanggang 25 degree na
Celsius lalo na sa pagitan ng mga buwan ng Nobyembre hanggang Enero. Ang
"Little Baguio of the South" sa Cebu ay        opisyal na kinikilala ng Lupon
ng Probinsiya bilang "Summer Capital of Cebu" mula pa noong 2006.
Dahil sa malamig na temperatura nito na mas malamig kaysa sa karaniwang simoy,
ang pangunahing Ang kabuhayan ng komunidad ay nagsasaka ng iba't ibang uri ng gulay.

Ang Mantalongon ang isa sa mga lugar na palagi naming pinupuntahan ng papa ko nung bata pa ako hanggang ngayon. Malamig at mahanging lugar na uma-apaw ang kapreskohan at kagandhan ng tanawin. Maraming magagandang mga tanawin ang makikita namin. Nagmomotor lang kami nang papa ko nun patungo sa tindahan namin noon sa mantalongon at papunta sa farm namin. Bumibili pa nga kami nun ng tinapay habang nagtatawanan, nagkukuwentuhan at lumalanghap ng preskong hangin. Isa ito sa mga bonding moments kasam ang papa ko na sobra kong ikinasasaya.

Huwebes, Oktubre 12, 2017

"The Host Traveler" by: Mary Grace Soriso


Chocolate hills ang tawag sa mga burol na matatagpuan sa Carmen,Bohol. Ito ang unang lugar na dinadayo ng mga turista. Napakaganda at sariwa ng hangin kapag nasa taas ka ng burol. Pagdating mo doon hindi lang ito ang iyong makikita,may mga tarsier pa doon at mga paparo na pwede ninyong puntahan at makita. May mga zip line din kaayong pwedeng sakyan at marami pang iba na pag.aliwan

Sa pagpunta ko doon at ito pa ay hindi ko inaasahan kasama ko yung nasa litrato at kanyang mama, kasama din yung anak ko, nadamay pa ang anak. Pumunta kami doon dahil gusto niyang maglibot sa Bohol at gusto niya kasama kami bago siya bumalik sa NZ. Di nmn sayang ang pagpunta namin dahil talaga naaaliw kami sa kagandahan ng mga tanawin.Pumunta din kami doon sa tarsier hall at doon sa may mga paru-paro. Pagkatapos sumakay kami doon sa sinabi kong zipline nakakatakot din pala kahit alam mong siguradong di ka mahuhulog.

Isa iyon sa mga napakaganda at hindi malilimutang pangyayari sa buhay namin. Tawanan, dramahan, asaran, at kulitan. Sa kaunting panahon na iyon nabigyan kami ng pagkakataon na makilala namin ang isat isa. Nabago din ang pananaw ko sa kanya na akala ko dati puro lang kayabangan natalalaman ng taong to peru di pala. Kabaliktaran lahat ng pananaw ko sa kanya at doon sa araw na yun nalaman ko ang ibang angulo ng kanyang pagkatao.




Sa pangalan ng beach nato ay Basdacu Beach. Matatagpuan ito sa Loon Bohol. Napakasariwa ng hangin at napakagandang tingnan ang mga mapuputing buhangin. May free diving din doon. Paborito din ito ng mga turista. May live band din ito sa gabie, kaya maraming foreinger na gagala sa lugar na ito pag gabi.


Nagpunta kami doon kasama mga kaklase ko sa Sacred Heart Academy. Naghanda kami ng kunting salo-salo para may makain din naman kami dun. Kukuha ng picture dito, doon at may kasamang ibat ibang pose. Napakasaya talaga ng araw na iyon, ini-enjoy ang sayawan at kantahan. Hindi mawawala ang asaran depende kung sino ang mabunot na pagtritripan.



Pinagmaliki ko ang aking lupang sinilingan ang Gaus Island. Dito sa islang ito may mga mapuputi at mapipinong buhangin. Sa lalarawan na iyan kung saan ako nakatayo, tinatawag namin itong "lawisan". Mangasul-ngasul ang dagat doon kahit mababa pa ang dagat. Maraming mga tao ang pupunta dito lalo na kung kakauwi lang nila galing sa mga syudad. Maliit lang ang islang ito peru may mga malalaking puso ang mga tao dito.
Kahit ilang taon na akong nakatira dito sa lugar na ito, hindi parin ako ng sawa ng maligo sa dagat lalong-lalo na sa lawisan. May marami kaming alala sa mga pinsan ko sa lugar na iyan kapag maligo kami ng dagat. Kapag sembreak o bakasyon uuwi talaga ako dito. May araw din na magkakasundo kami magpinsan na mamangka.

Sa araw na iyan na nasa litrato yun ang araw na buo kami magpinsan. Kahit na magkalayo kami magpinsan dahil ang iba galing pa manila davao dahil doon na sila naninirahan di parin kami naiilang sa isat isa di kami nahihiya talagang nagkakasundo kami kahit anong kalokohan.

"Southbound in Dalaguete" by Michael Jeffrey Cabarubias




Ang tatlong larawan ay kuha mula sa Dalaguete Cebu. Napunta kami rito dahil sa mabait naming klasmeyt dahil siya ay tubong dalaguete at fiesta sa kanila noon. Sa mga araw na iyon ay napakasaya at nakita ko rin kung gaano kaganda sa probinsya ng cebu. Unang napuntahan ko sa dalaguete ay doon sa seawall at doon kami nagbabad at naligo sa magandang sikat ng araw. Naisipi ko pa noon na napakaganda dito sa dalaguete. Ang pangalawang napuntahan sa dalaguete ay doon sa OBONG COLD SPRING. Napakaganda ng lugar sa obong cold spring at talagang napakalamig ng tubig at sarap sarap maligo at malinaw pa ang tubig pero bato bato lang naman sa ilalim pero nagka high tide din yun di masyadong maramdam ang bato sa ilalim pero sa kabuuan ay napakaganda talaga doon at dalawang beses namin napuntahan ang OBONG COLD SPRING. At ang pang huli kong napuntahan sa dalaguete ay lugar sa kanilang plaza sa may simbahan. Napakaganda talaga sa Dalaguete at gusto ko pang makapunta ulit doon para ma explore pa ang lugar na hindi ko pa napuntahan

The Beauty of Camotes Island, by: Carlo Zabate




Ang tatlong larawan na ito ay nakunaan nuon April 23, 2016 sa lugar ng Camotes Isl. Makikita dito sa larawan kung gaano ka ganda ang isla sa Camotes . Maraming mga turistang dumadayo dito lalong lalo na sa Unang litrato , Ang unang litrato na makikita niyo ay isang Kuweba na napaganda at napakalamig na tubig sa ilalim nito , matatagpuan ito sa McArthur Camotes Isl . Ang tawag sa kuweba na ito ay Bukilat Cave. Historical ang lugar na ito dahil noong Ikalawang digmaan ay dito nagtatago ang mga residente, madre at kaparian sa lugar na ito para hindi sila makita o mabihag sa kalupitan ng kamay ng mga Hapon . Sa ikalawang litrato naman ay makikita niyo ang napaka gandang tanawin at mga rock formation na tinatawag nating Stalactites at stalagmites . Ang sulit talaga ng bakasyon ko sa summer na iyon . Pati ang mga turistang nanduon ay namangha sa kagandahan ng tanawin . Ang Ikatlong litrato naman ay ang kagandahan ng view sa tabi ng dagat ng Poro Camotes Isl , na sinalubong namin ang palubog na araw at sobrang gandang tignan ng view na ito , Kaya sulit na sulit talagang puntahan ang Camotes Isl sa konting budget lang marami kanang ma pupuntahan at makikitang magagandang lugar dito at magiging relax at masaya ang summer vacation lalo na kasama ang ating pamilya . Kaya mahalin natin ang ating lupang sinilangan dahil sa mga napakagandang lugar na makikita natin sa buong pilipinas at huwag nating kalimutan na mapangalagaan ito para sa susunod na henerasyon .